Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga

(Mateo 25: 1-13)

25 “Ang kaharian ng langit ay maitutulad dito. May sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima nama’y matatalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Ang matatalino nama’y nagbaon ng langis, bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan. Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya’t inantok at nakatulog sila sa paghihintay.

“Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw, ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!’ Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan.’

“‘Baka hindi ito magkasya sa ating lahat. Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo,’ tugon naman ng matatalino. 10 Kaya’t lumakad ang limang dalagang iyon upang bumili ng langis. Habang wala sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at isinara ang pinto.

11 “Pagkatapos, dumating naman ang iba pang dalaga. ‘Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!’ pakiusap nila.

12 “Ngunit tumugon siya, ‘Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.’”

13 Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya’t magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras man.”

 

Realization:

Isang tanong ang sumagi sa aking isip matapos kong mabasa ang mabuting balita ng ating Panginoon ngayong araw. HANDA NA BA AKONG HARAPIN ANG ATING PANGINOON?

Tulad ng 5 babae na matatalino, handang-handa na sila at may extra pa.. Para kapag dumating na ang takdang panahon para bumalik sa kanya, Marami na tayong baon na pagmamahal sa lahat, pagbibigay sa kapwa, kabutihan sa lahat ng tao.

Simula ng magsimula ang nararanasan natin na pandemya, napaisip din ako sa tanong na yan. Para sa akin, handa na akong isuko sa kanya ang buhay ko. Ngunit hindi ko pa sya kayang harapin. May mga tao pa na kailangan ko ayusin ang pakikisama at pagmamahal ko. Sabi nga ni Father Orbos, Travel Light and Follow the Light. Travel Light simbolo ng PEACE at Follow the Light simbolo ng JOY. LOVE pa more and give EXTRA SMILE.

 

IKAW HANDA KA NA BA HARAPIN ANG ATING PANGINOON? SA TINGIN MO NATAPOS MO NA ANG MISSION MO SA KANYA?

Comments

comments